Saturday 28 April 2012

May Mga Araw Na Minsan Walang Ulan, Walang Ideya

tula ni Roger B Rueda

May mga araw na minsan walang ulan, walang ideya
Na pumapatak kahit gusto ko pang sumulat ng tula.

May mga araw namang hindi ko inaasahang
Uulan - nakasulat tuloy ako ng tula.

May mga araw, o kahit buong panahon namang
Walang ulan, walang ideya na pumapatak.

El Niño siguro. Ngunit may mga araw,
O buong panahon namang parang walang hinto

Ang pag-ulan. La Niña siguro.
Ngunit minsan kahit hindi ko gustong sumulat

Ng tula pinipilit kong sumulat nito.
Parang rain seeding na ito siguro.



















First saw print in Mantala: An Anthology of Philippine Literature 3

No comments:

Post a Comment